Paano ngaba nagsimula ang MRF? – Ayon kay Kapitana Janice Tacsagon ng Barangay Sto Dominggo. Nagsimula ang MRF una ay dahil sa National Law RA 9004 na kailangan talagang gawin at sundin ang programa. Ang Yes program din ni Governor Nini Ynares and nagtulak upang gumawa o gawin ang MRF sa Barangay Sto. Domingo at ayon din sa Provincial Capital of Rizal, bawat barangay ay required na magkaroon ng MRF. Kaya yun din ang dahilan kung bakit nagkaroon ng fully operational ng MRF sa Barangay Sto Dimingo.
Ano ang dahilan kung bakit ito ay nagpapatuloy sa kabila na ang ibang barangay ay pinagsasantabi lamang ito? – Nakita ng Barangay Sto. Domingo ang kahalagahan ng MRF sa kanilang brgy dahil nalaman nila na maraming bagay ang mapapakinabangan pa na sa unang tingin natin o akala natin ay basura na, “Kung magiging resourceful at creative ka malalaman mo na maraming pang pwedeng pag gamitan ng ibang basura, at the same time pagkakakitaan talaga kaya napatunayan natin ang kasabihan na may pera sa basura” – Kapitan Janice Tacsagon.
Nais iparating ni Kapitan Janice Tacsagon sa ibang barangay o kahit sa bawat indibidwal ng barangay na sa bahay pa lamang ay simulan na ang pagsesegregate ng ating mga basura yung mga nabubulok at hindi nabubulok. Tayong mga Pilipino napakareklamador natin pag dating sa basura pero kung sa bahay palang ay magiging responsable na tayo sa ating mga basura, hindi ito magiging problema at hindi ito dadami o tatambak katulad ng mga lumang gamit natin sa bahay. At yung mga nabubulok naman kung mayroon kang Backyard Farming, ay mapapakinabangan mo talaga. Kaya nirerekomenda din ni Kapitan Janice Tacsagon na maglagay din ng MRF sa ibang barangay dahil hindi lang ito sa ikabubuti natin patin nadin ng mga tao sa ating barangay. Sa pamamagitan nito, mababawasan din ang problema ng bawat barangay sa mga basura, dahil hindi natin maiiwasan na madelay ang mga Garbage Collector dahil sila mismo ay nagkakaproblema. Kaya mas mabuti kung sa bahay palang ay sisimulan na natin ang pagsesegrate ay iwasan ang pagtapon ng plastic kung saan saan dahil hindi lang natin matutulungan ang sarili natin kundi ang buong barangay.


